--Ads--

Inatasan ni British Prime Minister Keir Starmer ang sandatahang lakas ng United Kingdom na harangin ang isang Russian shadow fleet oil tanker na nagtangkang dumaan sa English Channel bilang bahagi ng patuloy na hakbang laban sa mga sumusuporta sa digmaan ng Russia sa Ukraine.

Inihayag ni Keir Starmer noong Linggo na matagumpay na naharang ng British Armed Forces ang isang Russian shadow fleet oil tanker na umano’y naglalayong dumaan sa English Channel.

Sa kanyang pahayag sa social media platform na X, sinabi ni Starmer na ang matagumpay na operasyon ay panibagong dagok laban sa Russia at nagsisilbing babala sa mga grupong patuloy na nagbibigay suporta sa kampanya ng Russia sa Ukraine.

Ayon pa sa punong ministro, hindi papayagan ng United Kingdom na makapagtago o makaiwas sa pananagutan ang mga sangkot sa pagpopondo at pagsuporta sa digmaan.

--Ads--

Nagpasalamat din si Starmer sa mga miyembro ng Armed Forces at mga law enforcement officers na naging bahagi ng operasyon at patuloy na nagbabantay para sa seguridad ng bansa sa buong taon.Ang tinatawag na “shadow fleet” ay tumutukoy sa mga sasakyang pandagat na umano’y ginagamit upang maipagpatuloy ang pagluwas ng langis ng Russia sa kabila ng mga ipinataw na internasyonal na parusa kaugnay ng patuloy na digmaan sa Ukraine.