--Ads--

Inaasahang mananatiling mabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas hanggang 2026 na bumaba ang growth forecast sa 3.08% ngayong taon mula sa naunang 3.11%, bunsod ng patuloy na pandaigdig at panloob na hamon sa business environment.

Ayon sa ulat, kabilang sa pangunahing salik ng kahinaan ang mga pandaigdigang tensyon gaya ng krisis sa Middle East at epekto nito sa presyo ng enerhiya, na direktang nakaaapekto sa gastos ng negosyo, produksyon, at pamumuhunan sa bansa.

Binanggit din ang mga panloob na isyu tulad ng hindi pa nareresolbang flood control scandal at political uncertainties na maaaring magpahina sa business confidence at maglimita sa pagpasok ng foreign investments.

Sa kanilang projection, mas babagal pa ang paglago sa ikalawa at ikatlong quarter ng taon, habang nananatiling mas mababa sa target ng pamahalaan ang medium-term outlook ng ekonomiya, na posibleng makaapekto sa konsumo at investment activity.

--Ads--