Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation noong Hunyo 19, 2026 bandang alas-5:55 ng hapon sa Barangay Macanaya, Aparri, Cagayan.
Isinagawa ang operasyon ng PDEA Regional Office 2 Regional Special Enforcement Team (RSET) katuwang ang Aparri Police Station, PDEG SOU 2, PNP Aparri Maritime Law Enforcement Team, at Coast Guard Intelligence Group – North Eastern Luzon.
Ang suspek ay isang 22-anyos na babae, residente ng Maura, Aparri, Cagayan, at 35-anyos, isang welder at residente ng Barangay Macanaya, Aparri, Cagayan.
Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang bigat na humigit-kumulang limang gramo at may tinatayang halagang ₱34,000. Nakumpiska rin ang dalawang cellular phone at buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) kaugnay ng Section 26(b) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.











