--Ads--

Nakalista si ‘Mary Grace Piattos’ bilang isa sa mga saksi ng prosecution team ng House of Representatives para sa impeachment ni Vice President Sara Duterte, ayon sa pre-trial brief.

Ang pangalang Mary Grace Piattos ay unang nakilala noong 2024 sa pagdinig ng House good government and public accountability kaugnay sa paggamit ng badyet ng Office of the Vice President at ng Department of Education.

Sinasabing si Piattos ay isa sa mga nakatanggap ng mga confiential funds mula sa mga tanggapan ng Pangalawang Pangulo.

Gayunpaman, sinabi ng Philippine Statistics Authority sa imbestigasyon ng Kamara na wala silang rekord ng kapanganakan, kamatayan, o anumang iba pang pagkakakilanlan ng isang taong nagngangalang “Mary Grace Piattos.”

--Ads--

Ayon sa pre-trial brief, si Piattos ay ihaharap bilang saksi para sa Article 1 na nag-aakusa kay Duterte ng paglabag sa Konstitusyon, graft and corruption, at pagtataksil sa tiwala ng publiko dahil sa umano’y maling paggamit ng P612.5 milyong halaga ng kumpidensyal na pondo.

Noong Pebrero, sinabi ng kampo ni Duterte na handa silang ipaliwanag ang paggamit ng mga alyas para sa mga confidential fund tulad ng “Mary Grace Piattos.”