--Ads--

Sa pagtatapos ng mga laban sa Group I ng FIFA World Cup 2026, nanaig ang France laban sa Norway, 4-1, upang tapusin ang mga laro sa group stage.

Nagtala si Ousmane Dembélé ng hat-trick na naging susi sa dominanteng panalo ng French squad.

Samantala, pinulbos ng Senegal ang Iraq, 5-0, sa isa pang mahalagang laban. Umarangkada ang opensiba ng Senegal sa pangunguna nina Pape Gueye, na umiskor ng dalawang goal, kasama sina Habib Diarra, Ismaila Sarr, at Iliman Ndiaye.

Dahil sa resulta, nakamit ng France ang unang puwesto sa Group I habang umabante rin ang Norway sa susunod na yugto ng torneo.

--Ads--

Pinanatili naman ng Senegal ang pag-asa nitong makapasok sa knockout stage bilang isa sa pinakamahusay na third-placed teams.