--Ads--

Posibleng muling tumaas ang presyo ng diesel at gasolina sa susunod na linggo matapos sumiklab muli ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa Gitnang Silangan.

Ayon sa isang industry source, maaaring tumaas ng hanggang P1.00 kada litro ang diesel at hanggang P2.00 kada litro naman ang gasolina. Lumabas ang pagtatayang ito matapos magsagawa ng pag-atake ang Estados Unidos laban sa Iran bilang tugon sa drone strike ng Tehran sa isang cargo ship sa Strait of Hormuz.

Ang inaasahang oil price hike ay kasunod ng malalaking rollback na ipinatupad noong nakaraang linggo, kung saan bumaba ng hanggang P11.04 kada litro ang diesel at P5.90 kada litro ang gasolina.

Patuloy na binabantayan ng mga motorista at industriya ng langis ang mga kaganapan sa Gitnang Silangan.

--Ads--