--Ads--

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang tuluyang pagpapatalsik sa dating Acting Senate Sergeant-at-Arms na si Mao Aplasca, kaugnay ng kanyang naging papel sa kontrobersyal na Senate standoff noong Mayo 13.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, pirmado na niya ang dismissal order laban kay Aplasca noong Lunes, at kumpirmadong sibak na ito sa serbisyo. Inihayag niya ang impormasyon sa kanyang programang dzRH noong Sabado.

Sinabi rin ni Remulla na ilalabas pa sa mga susunod na araw ang kumpletong detalye ng desisyon ng Ombudsman.

Si Aplasca ay una nang sinuspinde habang isinasagawa ang imbestigasyon sa kanyang naging aksyon sa naturang insidente sa Senado, na nagdulot ng malawak na kontrobersya sa hanay ng mga opisyal.

--Ads--