--Ads--

Tiniyak ni Senate President Sherwin Gatchalian na handang-handa na ang impeachment court bukas, Hulyo 6, sa unang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Gatchalian na nakumpleto na ng impeachment court ang logistical at security preparations para sa proceedings.

Nag-isyu na rin aniya ang Senado ng anim na set ng guidelines, kabilang dito ang security, media access, at ang galaw ng senator-judges sa loob ng Senado.

Maging ang pre-trial orders at iba pang official documents ay na-upload din sa Senate website sa ngalan ng transparency.

--Ads--

Sa pagsisimula ng proceedings sa Lunes, nakalaan ito para sa opening statements, habang wala pang inaasahang testigong tatayo.

Bagama’t pina-finalize pa ang mga schedule, inaasahan naman na sa Martes ay magsisimulang humarap ang mga testigo.

Pinapayagan aniya ng Senate rules na magpadala si Vice President Sara Duterte ng kinatawan kung hindi siya makakadalo sa proceedings.

Nilinaw naman ni Gatchalian na hindi pa napag-uusapan ang tungkol sa required votes para ma-convict ang Bise Presidente.

Samantala, handa na rin ang House prosecution panel sa impeachment laban kay VP Sara.

Inaasahang magbibigay ng panimulang pahayag ang prosecution at defense, kung saan magtatakda ng panuntunan ang impeachment court at dedesisyunan ang apat na inihaing mosyon ng prosecution panel.

Kabilang dito ang pagbubukas ng BIR box, paggamit ng lengguwaheng English at Pilipino, at pagpapahintulot sa public at private prosecutors na isalang sa cross-examination ang mga testigo.