--Ads--
Hindi pabor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga panukalang ibaba ang minimum age of criminal liability at iginiit na kailangan muna itong pag-aralang mabuti sa tulong ng mga eksperto sa child psychology at mental health.
Ayon sa Pangulo, dapat munang matukoy kung may pagbabago na sa pag-iisip at pag-uugali ng mga kabataan dulot ng kanilang exposure sa social media, teknolohiya at mararahas na online content.
Muling umigting ang usapin matapos ang insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City na kinasasangkutan ng mga menor de edad.
Sinabi rin ni Marcos na patuloy na susuriin ng pamahalaan ang epekto ng violent video games at iba pang digital content sa mga kabataan bago magpatupad ng anumang pagbabago sa polisiya.
--Ads--











