--Ads--

Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad si Senator Rodante Marcoleta nitong Lunes, Hulyo 6, matapos maglabas ang Sandiganbayan Third Division ng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong plunder.

Ayon sa mga ulat, isinuko ni Marcoleta ang kanyang sarili sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng paglalabas ng naturang warrant.

Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y hindi pagdedeklara ng P75 milyong campaign donations sa kanyang 2025 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) noong panahon ng kampanya.

Bukod kay Marcoleta, nauna nang nagpalabas ang Sandiganbayan ng mga warrant of arrest laban kina Mike Defensor, Joseph Varias Espiritu, at Aristotle Baluyut Viray kaugnay ng parehong usapin.

--Ads--

Samantala, sinabi ni Associate Justice Karl Miranda na dadalhin si Marcoleta sa Quezon City Jail sa Payatas habang isinasagawa ang mga kaukulang proseso at pagdinig sa kaso.