--Ads--

Isang katao ang nasawi habang umabot na sa halos 50,000 indibidwal ang naapektuhan ng habagat na pinalakas ng Bagyong Inday sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 10,984 pamilya o 49,422 katao mula sa 81 barangay sa Regions 6, 10, 11 at 12 ang apektado ng masamang panahon.

Kinilala ang nasawi bilang isang lalaki mula sa Barangay Managok, Malaybalay City, Bukidnon na umano’y tinangay ng malakas na agos ng tubig.

Samantala, 1,177 pamilya o 3,433 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 22 evacuation centers, habang 120 kabahayan ang naitalang napinsala.

--Ads--

Patuloy namang binabantayan ng NDRRMC ang sitwasyon upang matiyak ang maagap na pagtugon sa mga komunidad na naapektuhan ng masamang panahon.