--Ads--

Ipinaliwanag ng isang law expert na walang mali sa pag-object ng isang Abogado tuwing kasalukuyan ang pagdinig.

Ito ay matapos maobserbahan ang palagiang pag-object ng miyembro ng defense team sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Randy Arreola, law professor, sinabi niya na ang objection ay judgement call ng isang Abogado kung sa tingin nito ay makabubuti ang pag-object sa kanilang panig.

Gayunman, nilinaw ni Atty. Arreola na hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwedeng mag-object dahil mayroon lamang mga specific grounds para rito gaya lamang ng leading question, incompetent ang witness at iba pa ngunit nakadepende na aniya ito sa judge na mag-deny o mag-sustain sa objection.

--Ads--

Aniya, nabibigyan lamang ng itong maling interpretasyon dahil sa nagkalat na mga spliced videos ng impeachment trial sa social media.