--Ads--
Mahigit 100,000 fans ang nagtipon sa kabisera ng Norway na Oslo upang salubungin at parangalan ang kanilang pambansang football team matapos ang makasaysayan nilang kampanya sa 2026 FIFA World Cup.
Sa kabila ng 2-1 pagkatalo sa England sa quarterfinals, itinuring pa rin ng mga Norwegian ang koponan bilang mga bayani dahil sa pinakamalayo nitong pag-abot sa torneo sa mga nakalipas na taon.
Sinalubong ang koponan ng engrandeng parada, pagtitipon sa harap ng Royal Palace, at pakikipagkita sa royal family ng Norway.
Nagpasalamat naman si team captain Martin Odegaard sa napakalaking suporta ng mga tagahanga, na aniya ay higit pa sa kanilang inaasahan.
--Ads--











