--Ads--

Nalasap ng Alas Pilipinas Men ang kanilang unang pagkatalo sa Southeast Asian Volleyball Cup (SEA V Cup) matapos yumuko sa Cambodia sa limang set sa Candon Arena.

Nagpalitan ng panalo sa mga set ang dalawang koponan at umabot pa sa deciding fifth set ang laban. Nagpakita ng tibay ang Alas Pilipinas sa ikalawang set matapos maagaw ng Cambodia ang kalamangan, ngunit naitakas pa rin ng Pinoy spikers ang panalo sa extended set.

Gayunman, nanaig ang Cambodia sa ikalimang set matapos makuha ang maagang kalamangan upang itala ang 1-0 kartada sa torneo.

Dahil dito, bumagsak sa 0-1 ang Alas Pilipinas sa Pool B at maghahanda naman para sa susunod nitong laban kontra Indonesia. Samantala, tinalo ng Thailand ang Vietnam sa apat na set upang simulan ang kampanya nito sa Pool A sa panalong 1-0.

--Ads--