--Ads--

Magsisimula na ngayong araw sa Candon City, Ilocos Sur ang Week One ng Southeast Asian Volleyball Cup (SEA V Cup) kung saan magtatagisan ang anim na koponan mula sa rehiyon.

Pangungunahan ng Alas Pilipinas ang kampanya nito laban sa Cambodia sa alas-5:30 ng hapon sa Candon City Arena, habang maghaharap naman ang defending champion na Thailand at Vietnam sa alas-2 ng hapon.

Makakaharap ng Pilipinas ang Indonesia sa Biyernes para sa kanilang ikalawang laban sa torneo na nagbibigay ng FIVB world ranking points.

Ang top two teams sa bawat pool ay uusad sa semifinals sa Sabado, habang gaganapin ang kampeonato sa Linggo.

--Ads--