--Ads--

Kinumpirma ni NBI Director Melvin Matibag na mayroon nang mga “persons of interest” sa imbestigasyon kaugnay sa umano’y inupahan ni Vice President Sara Duterte para patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Sa kanyang pagtestigo sa impeachment trial, sinabi ni Matibag na nagbuo ang NBI ng special task force at may mga lead na silang sinusundan na maaaring makatukoy sa taong diumano’y kinausap ng Bise Presidente.

Gayunman, tumanggi siyang pangalanan ang mga persons of interest upang hindi makompromiso ang nagpapatuloy na imbestigasyon at maprotektahan ang mga impormante ng ahensya.

Ayon kay Matibag, layunin ng imbestigasyon na matukoy ang umano’y kontak ni Duterte, habang patuloy ring mino-monitor ng NBI ang mga social media post at video na may kaugnayan sa umano’y banta laban sa Pangulo.

--Ads--