--Ads--

Nagbigay ng espesyal na pagtatanghal ang Nation’s Girl Group na BINI sa San Diego Comic-Con matapos nilang awitin ang kanilang bagong kanta na bahagi ng soundtrack ng pelikulang “Forgotten Island.”

Itinanghal ng BINI ang kantang “A Parallel World” sa “Forgotten Island” panel na ginanap sa Ballroom 20 ng San Diego Comic-Con, isa sa pinakamalalaking pop culture events sa mundo.

Nagpasalamat naman ang grupo sa kanilang mga tagahanga sa pamamagitan ng social media at tinawag na hindi malilimutang karanasan ang kanilang paglahok sa naturang event.

Kasama sa panel ang mga bida ng pelikula na sina Liza Soberano at H.E.R., gayundin ang mga filmmaker na sina Joel Crawford at Januel Mercado. Tampok din sa pelikula sina Manny Jacinto, Dolly de Leon, Jo Koy at Lea Salonga.

--Ads--

Nakatakdang ipalabas ang “Forgotten Island” sa Setyembre, habang paghahandaan naman ng BINI ang kanilang Signals World Tour na magsisimula sa Agosto 1 sa Honolulu, Hawaii.