Tiniyak ng Malacañang na nakahanda na ang lahat para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gaganapin ngayong darating na Lunes.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, natapos na ang set up ng Radio Television Malacañang sa Kamara para sa live streaming ng talumpati ng Pangulo.
Sinabi ni Castro na ang tanging hiling na lamang ng Palasyo ay maging maayos ang panahon sa araw ng SONA upang hindi maapektuhan ang mga nakatakdang aktibidad.
Dagdag pa niya, kasalukuyan nang tinatapos ng Pangulo ang kanyang talumpati na siya mismo ang sumulat.
Ayon kay Castro, wala nang nakaiskedyul na pulong ang Pangulo kasama ang kanyang gabinete dahil nakatuon na ito sa paghahanda at pagsasaayos ng kanyang mensahe para sa bansa.
Samantala, hindi naman nagbigay ng dagdag na detalye ang Palasyo hinggil sa magiging laman ng talumpati o kung may mga bagong anunsyo at isyung tatalakayin ang Pangulo sa kanyang SONA.











