--Ads--

Nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong bawas-presyo sa produktong petrolyo ngayong araw, habang tumaas naman ang presyo ng liquefied petroleum gas o LPG ngayong buwan, ayon sa Department of Energy (DOE).

Batay sa anunsyo ng DOE, bumaba ng ₱0.73 kada litro ang presyo ng lahat ng uri ng gasolina, ₱0.60 kada litro sa diesel, at ₱2.09 kada litro sa kerosene.

Samantala, tumaas naman ng hanggang ₱3.67 kada kilo ang presyo ng LPG, katumbas ng ₱40.38 na dagdag sa isang 11-kilogram na tangke.

Ayon sa DOE, ang pinakahuling galaw ng presyo ay bunga ng mga pagbabago sa pandaigdigang merkado ng langis kasabay ng nagpapatuloy na mga kaganapan sa Gitnang Silangan na nakaaapekto sa suplay at presyo ng langis sa buong mundo.

--Ads--