--Ads--
Iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakatagpo ng limang walang lamang kabaong na may anti-China at anti-komunistang mensahe sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Natagpuan ang mga kabaong sa Maynila, Caloocan, Quezon City at Makati na may mga bandilang may pangalan ng Communist Party of China at mga mensaheng “Greedy!” at “Salot!”.
Ayon sa PNP, sinusuri na ang mga nakuhang ebidensya at CCTV footage upang matukoy ang mga nasa likod ng insidente at kung may nalabag na batas o ordinansa.
Kinondena naman ng Malacañang, Department of Foreign Affairs at Embahada ng China ang naturang insidente at nanawagang papanagutin ang mga responsable sa pagkakalat ng mga kabaong.
--Ads--











