Nagtamo ng injury ang isang indibidwal matapos magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Maharlika Highway, Barangay San Fermin, Cauayan City.
Batay sa ulat ng Rescue 922, dakong alas-11:08 ng gabi nang mangyari ang aksidente. Agad na nilapatan ng paunang lunas ang mga sangkot, subalit isa lamang ang isinugod sa pagamutan para sa karagdagang atensiyong medikal.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung nakainom ang mga sangkot sa aksidente, habang sinusuri rin ang iba pang posibleng anggulo sa insidente. Hindi na rin umano nagpa-blotter ang mga sangkot sa naturang banggaan.
Samantala, dakong alas-10:29 ng gabi, isinugod sa Isabela United Doctors Medical Center o IUDMC ang isang biktima ng (mauling) mula sa Purok 4, Nagrumbuan para sa kaukulang atensiyong medikal.
Naitala rin ang isang insidente ng animal bite sa Purok 5, Cabaruan, kung saan isang indibidwal ang nakagat ng aso.
Bukod dito, isang kaso ng hypertension ang naitala at dinala ang pasyente sa isang specialist para sa karagdagang pagsusuri at atensiyong medikal.
Patuloy namang hinihikayat ang publiko na mag-ingat sa kalsada, umiwas sa gulo at agad na humingi ng tulong medikal sa oras ng emergency.











