--Ads--
Nakatakdang ikasal ang American singer-rapper na si Post Malone matapos siyang mag-propose sa kanyang girlfriend na si stylist Christy Lee.
Kinumpirma ang kanilang engagement matapos ibahagi ng kaibigan ni Lee ang mga larawan kung saan makikitang suot nito ang diamond ring, veil at sash na may nakasulat na “Bride to Be.”
Ayon sa ulat, nag-propose si Post Malone kay Lee sa Utah, United States noong Agosto 18.
Unang na-link ang dalawa noong 2025 matapos silang makitang magkasama sa publiko sa isang dinner sa Rome, Italy.
--Ads--
Si Lee ay nagtapos sa Parsons School of Design sa New York at nakapagtrabaho na para sa ilang celebrities at models.











