--Ads--

Iminungkahi ni Sangguniang Panlungsod Member Bagnos Maximo Jr. ang pagre-reconcile sa records ng mga traffic citation tickets na inilalabas ng PNP at sa aktuwal na koleksyon ng City Government of Cauayan.

Inilahad ni Maximo ang naturang usapin sa kanyang privilege speech sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod nitong Martes, Agosto 25.

Ayon sa konsehal, umabot umano sa pitong milyong piso ang halaga ng mga traffic violations na naiulat ng PNP sa isang nakaraang Peace and Order Council meeting, ngunit hindi umano ito nagtutugma sa records ng City Treasurer’s Office.

Dahil dito, iminungkahi niyang magsagawa ng reconciliation upang matukoy ang eksaktong halaga ng mga traffic violation na naitala at nakolekta ng lungsod.

--Ads--

Iminungkahi rin ni SP Member Maximo ang pagrerepaso at pag-consolidate sa mga umiiral na ordinansa kaugnay ng traffic violations upang magkaroon ng iisang malinaw na batayan sa pagpapatupad ng mga traffic regulations, kabilang ang panukalang no-contact apprehension.

Nanawagan ang konsehal ng pagpupulong kasama ang City Administrator, BPLO, City Treasurer’s Office at Sangguniang Panlungsod upang mapag-usapan ang usapin at mapahusay ang monitoring at accountability sa traffic citation tickets.