Kinuwestiyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang tila kakulangan ng price freeze notice sa ilang bahagi ng Isabela, partikular sa Cordon, gayong isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan.
Lumitaw ang usapin sa pagpupulong ng PDRRMC, kung saan humingi ng paglilinaw si PDRRMC Officer Atty. Constante Foronda Jr. sa lawak ng pagpapatupad ng price freeze sa mga lungsod at munisipalidad ng Isabela.
Ayon kay Atty. Foronda, kapansin-pansin umano ang malinaw na price freeze notice sa Cordon kaya nais nilang malaman kung ipinatutupad din ito sa iba pang bahagi ng lalawigan.
Sa pagtugon ng Department of Trade in Industry, nilinaw ni Chief ng Trade Industry Development Specialist Tessie Isidra Guitering na hindi lamang sa Cordon ipinatutupad ang price freeze.
Agad umano silang nakipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at nagpalabas ng notice on price freeze sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa Isabela.
Kabilang dito ang pagpapaskil ng price freeze notice sa mga establisimyento upang malinaw na maipabatid sa mga negosyante at mamimili ang umiiral na price control measures.
Saklaw nito ang mga basic necessities and prime commodities o mga pangunahing bilihin at pangangailangan na maaaring maging sensitibo sa paggalaw ng presyo sa panahon ng krisis at kalamidad.











