--Ads--

Nasawi ang isang babae matapos umanong manaksak ng dalawang tao at sumugod sa mga pulis na may dalang mga kutsilyo sa Times Square, New York City, Estados Unidos.

Ayon sa mga awtoridad, nangyari ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon malapit sa Seventh Avenue at West 43rd Street, sa labas ng isang NYPD substation.

Matapos mabigong mapigil ng Taser ang babae, nagpaputok ang mga pulis. Isinugod siya sa ospital ngunit kalaunan ay nasawi.

Nasawi rin ang isa sa dalawang sinaksak niya habang nasa kritikal na kondisyon naman sa ospital ang isa pang biktima.

--Ads--

Narekober ng mga awtoridad ang dalawang kitchen knife sa lugar. Patuloy na iniimbestigahan ng NYPD ang pananaksak at pamamaril ng mga pulis.

Ayon sa mga opisyal, hindi umano konektado sa terorismo ang insidente. Pansamantalang isinara ang lugar at nagkaroon ng abala sa daloy ng trapiko.