--Ads--
Hindi bababa sa 22 katao ang nasawi habang 28 iba pa ang nasugatan matapos maaksidente ang isang bus sa silangang bahagi ng Egypt nitong Miyerkules, ayon sa Egyptian Ministry of Health.
Nangyari ang insidente sa kalsadang nag-uugnay sa mga bayan ng Dahab at Nuweiba sa South Sinai governorate. Ayon sa mga ulat ng Egyptian at Jordanian media, posibleng kabilang sa mga nasawi ang hanggang 10 mamamayan ng Jordan.
Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente at hindi rin malinaw ang kabuuang bilang ng mga pasahero na sakay ng bus nang mangyari ito.
Samantala, sinabi ng Egyptian Ministry of Health na ang lahat ng mga nasugatan ay kasalukuyang ginagamot sa tatlong magkakaibang ospital.
--Ads--











