--Ads--

Dinakip ng Philippine National Police (PNP) ang ilang tauhan ng Taguig City Public Order and Safety Office (POSO) matapos umanong tangkaing harangin ang mga imbestigador ng Ombudsman na nagsasagawa ng imbestigasyon sa reclamation area sa Laguna Lake.

Ibinahagi ito ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang post sa X, dating Twitter, nitong Biyernes, Setyembre 4.

Ayon kay Lacson, inaresto ng PNP ang mga tauhan ng Taguig POSO matapos nilang tangkaing pigilan ang mga imbestigador ng Ombudsman sa pagsasagawa ng kanilang trabaho sa naturang lugar.

Nagsimula ang usapin matapos isiwalat ni Lacson na may tinatayang 85 ektaryang reclamation project sa bahagi ng Laguna Lake na sakop ng Taguig City na umano’y isinasagawa nang walang sapat na mga permit.

--Ads--