Inatasan ng Sandiganbayan si dating House Speaker Martin Romualdez na humarap sa pagdinig sa Setyembre 10, 2026 kaugnay ng kanyang kahilingan na manatili sa ospital.
Nananatili si Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City matapos siyang maaresto noong Lunes kaugnay ng P7.4-bilyong kasong plunder.
Ayon sa Sandiganbayan, kailangang dumalo si Romualdez kung kakayanin ng kanyang kondisyon. Inatasan din ang kanyang mga doktor na isumite ang resulta ng mga kinakailangang medical examination.
Ipapatawag din sa pagdinig ang apat na doktor mula sa Cardinal Santos Medical Center upang magbigay ng testimonya tungkol sa kondisyon ni Romualdez.
Sinabi ng Sandiganbayan na nasa korte ang kustodiya kay Romualdez at ito ang magpapasya kung maaari siyang manatili sa ospital o ilipat sa isang detention facility.









