--Ads--
Inanunsiyo ng US Treasury ang bagong sanctions sa 36 mga entities.
Kabilang na dito ang 27 Iranian airlines dahil sa pagsuporta sa aviation sector ng Iran.
Ayon sa US Treasury, na ginagamit ng gobyerno ng Iran ang aviation sector para sa pagdadala ng mga armas, sundalo at mga iligal na kargamento.
Sinusunod lamang ng US ang kaniyan naipangako na magkakaroon ng hindi magandang kapalaran ang sinumang kumpanya na sumusuporta sa gobyerno ng Iran.
--Ads--
Sinabi naman ni Treasury Secretary Scott Bessent na sana ay magsilbi itong aral sa ilang airline companies na sumusuporta sa maling adhikain ng gobyerno ng Iran.






