--Ads--
Magpapasok ang Department of Energy (DOE) ng kabuuang 160 megawatts na kapasidad mula sa biomass projects sa ikaanim na Green Energy Auction.
Sa kabuuang kapasidad, 120 MW ang ilalaan para sa stand-alone facilities, habang 40 MW naman para sa cogeneration projects.
Inaasahang ipatutupad ang mga proyekto mula Hulyo 2027 hanggang Disyembre 2030. Ayon sa DOE, inaasahang ilalabas ng Energy Regulatory Commission ang maximum bid price kada kilowatt-hour sa Oktubre 1, bago isagawa ang auction sa ikaapat na quarter ng 2026.
Layunin ng hakbang na madagdagan ang bahagi ng renewable energy sa electricity generation mix ng bansa mula sa kasalukuyang 25 % tungo sa 35 % pagsapit ng 2030.
--Ads--











