--Ads--
Patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado dahil sa nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Batay sa galaw ng presyo sa Mean of Platts Singapore, tumaas na ng halos P4 kada litro ang gasolina habang nasa P2.50 kada litro naman ang pagtaas ng diesel at kerosene sa ikalawang araw ng kalakalan.
Ayon sa Department of Energy, malaki ang epekto ng tensyon sa Middle East na nagtulak sa presyo ng krudo na lumapit sa $100 kada bariles.
Nauna nang sinabi ng Estados Unidos na winasak nito ang limang Iranian oil tanker, habang naglunsad naman ng pag-atake ang Iran sa isang base militar ng Amerika sa Jordan bilang ganti sa mga opensiba ng US sa Strait of Hormuz.
--Ads--











