--Ads--

Mahigit 15,000 delegates ang inaasahang kalahok sa ISPAA 2026 sa Echague, Isabela, kung saan tiniyak ng mga organizer ang kalusugan at kaligtasan ng mga atleta, coaches, at iba pang delegado.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Division Sports Officer Manolo Baguno ng SDO Isabela, sinabi niya na kabilang sa mga paghahanda ang pagtalaga ng 62 health personnel, kabilang ang mga doktor at medical officers, sa iba’t ibang venue upang agad na matugunan ang anumang medical concern ng mga manlalaro.

Nakikipagtulungan din ang Municipal Government of Echague sa medical team upang matiyak na ligtas at nasa maayos na kondisyon ang mga atleta habang isinasagawa ang iba’t ibang kompetisyon.

Kabilang sa mga pangunahing sporting events ang weightlifting, kickboxing, football para sa secondary girls, at futsal para sa elementarya.

--Ads--

Gayunman, sinabi ni Baguno na mas nakatuon muna ang ilang kompetisyon sa secondary level, partikular sa weightlifting, upang maiwasang mapuwersa ang mga batang atleta.

Mahalaga rin aniya ang estratehiya at pagbabago sa training upang mapanatili ng Isabela ang kanilang kampeonato sa mga susunod na kompetisyon.

Sa kauna-unahang pagkakataon, malaking bahagi ng mga sporting event ay maaaring isagawa sa iisang municipality dahil sa mga pasilidad ng Echague Sports Arena and Sports Complex. Kabilang dito ang athletics, tennis, baseball, at softball, habang may iba pang aktibidad na sinusuportahan ng Santiago.

Nanawagan naman ang mga organizer sa mga atleta, coaches, delegates, at manonood na sundin ang mga alituntunin sa bawat venue upang maging ligtas at matagumpay ang ISPAA 2026.