--Ads--
Kusang sumuko sa awtoridad si MV June Aster Captain Roel Sarmiento, limang araw matapos masunog ang barko sa karagatan ng Coron, Palawan.
Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG, nagtungo si Sarmiento sa tanggapan ng Atienza Interisland Ferries Inc. sa Palawan nitong Lunes, Setyembre 14, kasama ang HR General ng kompanya.
Nakatakda siyang kuwestiyunin ng mga imbestigador upang alamin ang kanyang kinaroroonan matapos ang insidente at ang mga nangyari bago siya nagpakita.
Samantala, nasa 76 na ang kumpirmadong nasawi sa insidente, habang 12 ang nawawala at 44 ang nakaligtas. Kabuuang 132 pasahero ang sakay ng MV June Aster nang masunog ito noong Setyembre 9.
--Ads--










