--Ads--

Isasalin sa entablado ang award-winning film na Sunshine na pinagbibidahan ni Maris Racal, na muling gaganap sa kanyang lead role sa stage adaptation.

Ayon sa ulat, magiging immersive ang production kung saan magkakaroon ng mas aktibong karanasan ang mga manonood.

Ang stage adaptation ay kabilang sa mga proyekto ng bagong production outfit na Ilaya Ilaya ng direktor na si Antoinette Jadaone.

Nanalo ang Sunshine ng Crystal Bear for Best Film sa Generation 14plus section ng 75th Berlin International Film Festival noong Pebrero 2025.

--Ads--

Tungkol ang pelikula sa isang batang gymnast na nadiskubreng buntis siya bago ang national team tryouts. Para sa kanyang papel, isang taon ding nagsanay si Maris bilang paghahanda sa pelikula.