--Ads--

Malaking tulong para sa mga consumer at reseller ng liquefied petroleum gas o LPG ang suspensyon sa excise tax na inaasahang maipatupad sa susunod na mga linggo.

Ayon kay Robinson Calderon, isang LPG dealer sa Cauayan City, tinatayang nasa P3 kada kilo ang magiging epekto ng suspensyon ng excise tax, o humigit-kumulang P33 hanggang P35 para sa isang 11-kilogram na LPG tank.

Gayunman, sinabi ni Calderon na kahit may suspensyon ng excise tax, inaasahan pa rin ang pagtaas ng presyo ng LPG dahil sa patuloy na paggalaw ng presyo sa supply at contract prices ng mga brand.

Samantala, nasa P10 hanggang P12 kada kilo ang pinakahuling tinatayang dagdag-presyo sa LPG na maaaring ipatupad sa Oktubre 1.

--Ads--