--Ads--

Inamin ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa impeachment trial na hindi niya alam na idineklarang pag-aari ni Vice President Sara Duterte ang GenCorp Industries Inc.

Ayon kay Mayor Baste, nalaman lamang niya ang kaugnayan ni VP Sara sa kumpanya habang sinusubaybayan ang impeachment proceedings. Aniya, walang nakasaad sa mga dokumentong isinumite ng GenCorp sa Davao City government na stockholder o may-ari si VP Sara.

Bilang Head of the Procuring Entity (HOPE), kinilala rin ni Mayor Duterte na siya ang may pinal na pananagutan sa mga usapin ng procurement, ngunit sinabi niyang wala siyang kaalaman sa nakasaad sa SALN ng bise presidente hinggil sa GenCorp.

Batay sa rekord na iniharap ng House prosecution, nakakuha ang GenCorp ng 15 kontrata mula sa Davao City government na nagkakahalaga ng P34.2 milyon. Gayunman, sinabi ni Mayor Baste na 19 na kontrata ang naigawad sa kumpanya, kung saan apat ang dumaan sa public bidding at 15 sa small-value procurement.

--Ads--