--Ads--

Ibinasura ng International Criminal Court o ICC ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na obligahin ang prosekusyon na magsumite ng expert verification reports para sa open-source at user-generated evidence sa kanyang kaso.

Sa desisyong inilabas noong Setyembre 28, sinabi ng Trial Chamber na maaari itong magdulot ng hindi kinakailangang pagkaantala sa paglilitis dahil sa dami ng ebidensyang isinumite ng prosekusyon.

Iginiit naman ng depensa na ilan sa mga ebidensya ay duplicate o mababa ang kalidad at maaaring may hindi maaasahan o walang kaugnayang materyal.

Ayon sa ICC, maaari namang kuwestyunin ng depensa ang admissibility ng bawat ebidensya at humiling ng expert verification kung kinakailangan.

--Ads--

Nauna nang pinaalalahanan ng korte ang magkabilang panig na iwasan ang “wholesale dumping” ng ebidensya at piliin ang mahahalagang materyal kapag pare-pareho ang impormasyong pinatutunayan.

Nahaharap si Duterte sa kaso kaugnay ng alegasyon ng crimes against humanity na iniuugnay sa kanyang war on drugs.