--Ads--

Ipina-subpoena ng Senate Impeachment Court ang anim na bangko at pitong ­insurance at financial firms na may kaugnayan kay Vice President Sara Duterte bilang bahagi ng pagbusisi sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman nito.

Kabilang sa mga bangkong ipinatawag ang Land Bank of the Philippines, Asia United Bank, Philippine Savings Bank, Metrobank, BPI, PNB, at BDO Unibank.

Nakatakdang humarap at magsumite ng mga rekord ang mga ito sa Oktubre 6, matapos ang presentasyon ng prosecution panel ng isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) bilang testigo sa Oktubre 5.

Ayon kay House lead prosecutor Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, ipiprisinta sa impeachment court ang mga opisyal at kaukulang rekord ng mga bangko alinsunod sa kahilingan ng prosekusyon.

--Ads--

Inisa-isa naman ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero ang mga institusyong pinadalhan ng subpoena ng prosecution panel.

Bukod sa mga bangko, ipinatawag din ang mga kinatawan ng Prudential Life, Allianz, Manufacturers Life, FWD Life, BPI-AIA Life, BDO Securities at BDO Life.

Nakasaad din sa subpoena na kinakaila­ngang dalhin ng mga opisyal ng naturang mga institusyon ang lahat ng kaugnay na rekord at dokumento na bubusisiin sa pagdinig ng impeachment court.