--Ads--

Bumaba sa 2.77 milyon ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas noong Agosto, mula sa 3.14 milyon noong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.

Katumbas ito ng 5.3% unemployment rate, mas mababa sa 6% na naitala noong Hulyo, ngunit mas mataas sa 3.9% noong Agosto 2025.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, dulot ito ng mas kaunting bagong pumasok sa labor force. Mula sa 1.5 milyon noong Hulyo, nasa 897,000 lamang ang bagong entrants noong Agosto.

Samantala, tumaas sa 94.7% ang employment rate mula sa 94% noong Hulyo, katumbas ng 49.79 milyong may trabaho.

--Ads--

Gayunman, bumaba sa 39.2 oras ang average weekly working hours dahil umano sa masamang panahon at pagbaha na nagdulot ng work suspensions.