--Ads--

Kinilala si Filipino tennis star Alex Eala bilang nangungunang achiever ng Philippine Sportswriters Association o PSA para sa Agosto matapos niyang masungkit ang una niyang WTA Tour title sa Mubadala DC Open sa Washington.

Tinalo ni Eala sa finals ang world No. 3 na si Jessica Pegula ng Estados Unidos, 4-6, 6-4, 6-0. Bago ang finals, dinaig din niya sina Qinwen Zheng, Leylah Fernandez, Elina Svitolina at Naomi Osaka.

Dahil sa tagumpay, umakyat si Eala sa career-high na world No. 18 at naging pinakamataas na ranggong Southeast Asian player sa kasaysayan ng WTA.

Kabilang din sa mga kinilala ng PSA para sa Agosto si pole vaulter EJ Obiena matapos magtala ng season-best na 5.91 meters at manalo sa Golden Sand 2026 sa Poland.

--Ads--