--Ads--

Tumaob ang isang SUV matapos mahulog sa palayan sa Purok 7, Barangay Nungnungan 1, Cauayan City, Isabela, dakong alas-8:30 ng gabi nitong Linggo, Oktubre 11.

Batay sa pakikipag-ugnayan ng Bombo News Team sa mga rumespondeng awtoridad, pinaniniwalaang nakadagdag sa insidente ang pag-ulan at madulas na kalsada.

Ligtas ang driver ng SUV at wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa insidente.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang iba pang detalye hinggil sa aksidente.

--Ads--