--Ads--
Nadiskubre ang bangkay ng isang 33-anyos na babae sa bangin sa Barangay Bintong, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, matapos umanong limang araw na itong nasawi.
Ayon kay PMaj. Benjamin Pagapa, hepe ng Dupax del Norte PNP, natagpuan ang bangkay sa Purok Kampo Abuos na may lalim na tatlo hanggang limang metro.
Kinilala ang biktima ng kaniyang mga kapamilya batay sa kaniyang mga damit. Isa siyang laborer, walang asawa, may apat na anak, at residente ng Roxas, Solano.
Nilinaw ni PMaj. Pagapa na hindi pugot ang ulo ng biktima, kundi naagnas na ito.
--Ads--
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay.
Ayon pa sa Hepe, wala umanong nakitang palatandaan ng aksidente sa lugar.











