--Ads--

Nakumpiska ng CIDG Nueva Vizcaya ang isang converted caliber .22 rifle at iba’t ibang bala sa bahay ng isang lalaki sa Barangay Magapuy, Bayombong, Nueva Vizcaya, sa bisa ng search warrant.

Arestado ang suspek na kinilalang si alyas “Ramon” matapos isilbi ng mga operatiba ang search warrant nitong Oktubre 10.

Narekober sa kaniyang tahanan ang nasabing baril na may serial number na 205559, kasama ang iba’t ibang uri ng bala.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

--Ads--

Muling hinikayat ng CIDG ang publiko na iulat ang anumang impormasyong may kaugnayan sa ilegal na armas at iba pang posibleng paglabag sa batas.