Dalawa na ang nasawi habang mahigit 10 katao ang nawawala sa Mexico matapos magdulot ng matinding pag-ulan at pagbaha sa mga komunidad sa baybayin ng Pacific Ocean ang Hurricane Simon at ang dating tropical storm Rachel.
Kinumpirma ni Guerrero Governor Evelyn Salgado na isang 71-anyos na lalaki ang nasawi matapos gumuho ang isang pader dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng Hurricane Simon.
Kinilala ng pamilya ang biktima na si Albino Moreno Jimenez, na nagpapakain umano ng kaniyang mga alagang hayop sa Chilpancingo nang bumagsak sa kaniya ang pader.
Samantala, isang batang babae naman ang nasawi sa Baja California dahil sa epekto ng dating Hurricane Rachel, ayon kay Governor Marina del Pilar.
Ayon sa gobernador, hindi bababa sa 10 katao ang nawawala sa naturang estado, kabilang ang walo sa Ensenada City at dalawa sa bayan ng San Felipe.
Patuloy namang binabantayan ang sitwasyon sa western Mexico dahil sa posibilidad ng karagdagang pagbaha, pagguho ng lupa at malalakas na alon.











