--Ads--

Inaasahang bibilis ang pagpasa sa panukalang OFW Reintegration Act matapos sertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bersyon ng Senado, ayon kay Albay Rep. Adrian Salceda.

Layunin ng panukala na tulungan ang mga umuuwing overseas Filipino worker (OFW) na makabalik sa trabaho at magkaroon ng kabuhayan sa Pilipinas.

Noong Hunyo 30, 2025, unang araw ng 20th Congress, inihain ni Salceda ang House Bill No. 50 na naglalayong magtayo ng mga Balikbayani Center. Ang mga ito ay magsisilbing one-stop reintegration hub para sa mga umuuwing OFW at kanilang mga dependent. Isinama na ang panukala sa mas malawak na OFW reintegration measure.

Hiniling din ni Salceda sa Department of Migrant Workers (DMW) na magtayo ng mga Balikbayani Center sa mga pangunahing paliparan at iba pang port of entry upang agad na matulungan ang mga umuuwing manggagawa.

--Ads--

Ayon sa mambabatas, hindi na kailangang pumunta ng mga OFW sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan upang makakuha ng serbisyo dahil magiging iisa na ang kanilang pupuntahan.