--Ads--

Bumaba ang Philippine Stock Exchange Index (PSEi) nitong Martes kasunod ng pangamba ng mga mamumuhunan sa patuloy na pagtaas ng inflation at posibilidad ng panibagong interest rate hike ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Nagsara ang benchmark index sa 5,701.54 points, mas mababa ng 41.64 points o 0.73%.

Ayon sa Philstocks Financial Inc., nakaapekto sa merkado ang pangamba sa paglago ng ekonomiya, mataas na bond yields at inaasahang pagtaas muli ng interest rates sa pulong ng BSP sa Oktubre 22.

Nagtala rin ng net selling ang mga dayuhang mamumuhunan na umabot sa P468.75 milyon, habang lahat ng sectoral indices ay nagtapos sa negatibong teritoryo.

--Ads--