Magkakaiba ang pananaw ng ilang residente sa Quezon City hinggil sa panukalang pag-iipon ng tubig bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño.
May ilang sumang-ayon sa mungkahi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil makatutulong umano ito sa mga pamilyang maaaring makaranas ng kakulangan sa suplay ng tubig.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Arsenia Valio, residente ng Quezon City, makatutulong ang pag-iipon ng tubig tuwing tag-ulan, lalo na sa mga pamilyang walang sariling poso o balon.
Samantala, may mga residenteng naniniwalang kailangan ang pangmatagalang solusyon, kabilang ang pagbibigay ng mas maaasahang mapagkukunan ng tubig sa mga pamilyang nangangailangan.
Patuloy namang pinapayuhan ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig at tiyaking malinis ang mga lalagyang ginagamit sa pag-iimbak nito.











