Activated na ang deployable response group ng Coast Guard Distict Northeastern Luzon bilang paghahanda sa Typhoon Champi.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Coast Guard Ensign Dioniso Mahilum, sinabi niya na sa pamamagitan nito ay may mga personnel na idedeploy sa coast guard station Cagayan, at coast guard station Santa Ana upang mabantayan ang mga karagatan sa kanilang nasasakupan.
Maliban dito ay nagsagawa na rin ang kanilang hanay ng readiness at inspection ng kanilang mga land and water equipment.
Aniya, sa ngayon ay hindi pa gaanong ramdam ang epekto ng bagyo sa kanilang nasasakupan subalit sa mga susunod na oras ay nakatakda silang magpatupad ng no sail policy sa mga baybayin kasabay ng paglapit ng bagyo.
Ayon kay Mahilum, ngayon pa lamang ay nagsasagawa na sila ng information dissemination sa mga mangingisda at mga residente na malapit sa baybayin na sumunod sa mga abiso upang matiyak ang kanilang kaligtasan.








