--Ads--

Tiniyak ng Public Order and Safety Division (POSD) ng Cauayan City ang mahigpit na pagpapatupad ng mga panuntunan sa mga sementeryo ngayong Undas upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ret. Col. Pilarito Mallillin, Hepe ng Public Order and Safety Division, sinabi niyang nagtalaga na sila ng mga tauhan sa mga sementeryo at pangunahing lansangan, kabilang ang motorist assistance centers, upang umalalay sa publiko at maiwasan ang pagsisikip ng trapiko.

Nagtalaga rin ng mga parking area upang hindi maging sagabal sa daloy ng trapiko ang mga sasakyan, habang mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng alak, baril, kutsilyo, bolo, ilegal na droga at iba pang mapanganib na bagay.

Ipinagbabawal din ang pagsusugal at paggamit ng malalakas na sound system, at hindi papayagang makapasok sa sementeryo ang mga indibidwal na nasa impluwensya ng alak.

--Ads--