--Ads--

Naglabas ng 40 subpoena ang Philippine National Police (PNP) laban sa 11 person of interest sa tangkang pagpupuslit ng ₱3.5 bilyong halaga ng ilegal na droga mula Laos patungong Pilipinas.

Kabilang sa mga pinadalhan ng subpoena si dating Bangsamoro Parliament member Edriezan Hadji Nasser Rimbang, na itinuturong financier ng operasyon.

Tinatayang ₱11 milyon ang halaga ng pribadong eroplanong ginamit sa tangkang pagpapasok ng kontrabando.

Patuloy namang hinahanap ng mga awtoridad ang apat sa 11 person of interest dahil umano sa paggamit ng mga pekeng address.

--Ads--

Samantala, ipinatawag din ng House Committee on Dangerous Drugs sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isagani R. Nerez para sa paunang briefing kaugnay ng kaso.